' ang bagong kwela-rapper ng bayan '

Home » Post Item » MAHIYA NAMAN KAYO!

MAHIYA NAMAN KAYO!

June 1, 2006

 

 

 

 

MAHIYA NAMAN KAYO
Song lyrics
By Lemuel ‘Peter Parkher’ Samblero
 

Chorus:
Kawawa naman ang mamamayan
Corrupt kayo ditto, corrupt kayo dyan
Binoto po kayo ng buong sambayanan
Bakit pati kaban ng byan pinakikialaman
Para sa mga mahalnating politico
At sa mga nagtratrabaho sa ating gobyerno
Sana naman ay maging tapat kayo
Dahil kung hindi, mahiya naman kayo.
Ako si Peter Parkher laging walang laman ang tiyan
Samantalang busog na busog mga buwaya sa daan
Akala ko mga buwaya lagi lang sa kanto
Mayron din palang buwaya sa palasyo.
Tumaas lahat ng bayarin, bayan lumalagpak
Ang hindi lang tumataas ay ang mga pandak
Ayan meron namang Value Added Tax
Pero ang masakit itoy laging kinukulimbat
Ng mga bantay salakay, noong botohan lang mabaet
Dahil sya ay corrupt, maraming bahay at kabet
Na nangakong pag binoto ay giginhawa rin
Tapos na termino kamiy mahirap pa rin
Ito ang kandidatong kinakarga mga musmos
Pero pagtulong sa kapwa sa puso nila ay di taos
At pag nanalo na isa lang ang nasa isip nila
Kung paano pera ng bayan kanyang maibubulsa
Sana lahat ng gobyerno parang Big Brother House
Para kaban ng bayan kita pag ninanakaw
At pag nahuli sa akto ito ang parusa
Sabay-sabay silang barilin doon sa Luneta
Kasi ang pagnanakaw n’yo buhay din ang kapalit

Dahil sa inyo ang daming gutom na paslit
Lumalaki ang inyong tiyan kayo lang ang nagpapasarap
Ng pera ng bayan pero ang daming naghihirap
Ang panalangin ko and I hope this will come soon
From SK to President ang sahod nila ay minimum
Tingnan natin kung mayoon pang mangandidato
Sa lahat ng sangay ng Gobyerno, itatak sa ulo niyo
Sana ang corrupt at maging panget
O kaya tuluyan ng sumara ang butas ng kanilang puwet
Inaalay ko ito sa lahat ng mga corrupt
Ang patuloy sa pag-corrupt sana tamaan ng kidlat

Posted by peterparkher at 11:50 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment